Close

Tsismis, bawal na sa 1 bayan sa Aklan

Sponsor ads


KALIBO, AKLAN — Tuluyan nang ipagbabawal sa bayan ng Balete sa probinsya ng Aklan ang pag-tsismis.

Ito’y matapos aprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ang Anti-Tsismis Ordinance sa nasabing bayan.

Ang sinumang mahuhuli na nagtsi-tsismis o naninira ng puri ng ibang tao ay pagmumultahin ng P2,000 o 24 oras na community service.

Sakop sa nasabing ordinansa ang pagpapakalat ng tsismis sa social media. BNFM Kalibo

Photo file only