Close

Trump inimbitahan ni Kim sa pumunta sa NoKor

Sponsor ads


Matapos ang naganap na summit sa pagitan nina North Korean leader Kim Jong Un at United States President Donald Trump sa Singapore ay mas lalong naging malalim ang relasyon ng dalawa.

Sa katunayan ay inimbitahan pa ni Kim si Trump na bumisita sa Pyongyang, North Korea.

Hindi nagbigay ng petsa si Kim dahil anumang oras ay maaari naman umano itong bumisita depende sa araw kung kailan convenient kay Trump.

Kaugnay naman nito ay welcome rin umano kay Kim na bumisita sa United States.