Close

Trump-Kim summit, nagsimula na

Sponsor ads


Sinimulan nina US President Donald Trump at North Korean leader Kim Jong Un ang makasaysayang summit nila na ginaganap ngayon sa isang hotel sa Sentosa Singapore sa pamamagitan ng isang "handshake".

Magkasunod na dumating sa venue ang dalawang leader kung saan naging mahigpit ang seguridad.

Kabilang sa tatalakayin ng dalawang leader ang pagpapababa sa tensyon at nuclear disamament sa North Korea.

Ayon sa report, sinabi ni Kim na na-overcome niya lahat ng problema para lamang makarating sa pulong habang "terrific relationship naman ang na-predict ni Trump sa kanilang pagkikita ng NoKor leader.

Inaabangan ng buong mundo ang magiging resulta ng one on one meeting nina Trump at Kim.