Close

Trump-Kim summit, mabilis na umuusad

Sponsor ads


Mas mabilis umano kaysa sa inaasahan ang pag-usad ng diskusyon sa pagitan ng Estados Unidos at North Korea.

Ito ang kinumpirma ng White House bago ang gaganaping summit ngayong araw nina US President Donald Trump at North Korean leader Kim Jong Un sa Singapore.

Ayon sa US, nagsasagawa na ng preliminary talks sa pagitan ng mga opisyal bago ang maksaysayang meeting.

Kinumpirma rin ng White House na one-on-one meeting ang isasagawa ng dalawang lider at tanging mga translator lamang ang kasama.

Ang kahihinatnan ng nasabing meeting ang magtatakda ng mangyayari sa nuclear programme ng Pyongyang.

Mababatid na una nang sinabi ng US na hindi sila tatanggap ng anumang kasunduan mula sa NoKor kundi ang complete denuclearization ng Korean peninsula.