Close

Trump: pagliligtas sa buhay, prayoridad re Hurricane Michael

Sponsor ads


Tiniyak ni US President Donald Trump na prayoridad ng kanyang pamahalaan ang pagliligtas sa buhay ng mga apektado ng Hurricane Michael.

Ayon sa Trump, all set na ang mga pagkain, tubig at mga first responders na tutugon sa mga biktima ng bagyo na pinangangambahang pinakamatinding hagupit ng America sa loob ng ilang dekada.

Maliban sa mga inihandang tulong, nasa ground na din ang mga otoridad para mabilis na matutulungan ang mga masasalanta.

Sa huling report, nasa 3.8 million na tao ang apektado ng hurricane Michael.