Close

Trump, nag-walk out sa pulong kasama ang democratic leaders

Sponsor ads


Tinawag ni United States President Donald Trump na pagsasayang ng oras ang pakikipagpulong nito sa Democratic leaders.

Sa naturang meeting ay nag-walk out si Trump sa harap nina Speaker Nancy Pelosi at Senate President Chuck Schumer.

Sinabi ni Trump sa kanyang twitter account na kung hindi rin naman aaprubahan ng mga ito ang pagpapatayo ng border wall ay wala rin saysay ang kanilang pag-uusap.

Mariin kasing tumutol si Pelosi na magbigay ng pondo para sa border wall.

Nagbabala naman si Trump na magdedeklara siya ng national emergency kung hindi pa rin ito aaprubahan ng kongreso.