Close

Trump, mabagal tumugon sa COVID-19 pandemic- Biden

Sponsor ads


Pinatutsadahan ni dating US Vice President Joe Biden si US President Donald Trump dahil sa umano’y kabagalan nito sa pagtugon sa suliranin ng COVID-19 sa kanilang bansa.

Ayon kay Biden, na siyang makakatunggali ni Trump sa susunod na presidential elections, naging napakabagal aniya ng pagkilos nito para mapigil ang pagkalat ng coronavirus infections.

Binatikos din nito ang naging pahayag ni Trump na upang mabawasan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 infections, ay kailangang bawasan din ang ginagawang testing.

Giit pa ng dating pangalawang pangulo, mas iniisip pa umano ni Trump ang magiging pagtingin ng ibang mga bansa sa America dahil sa patuloy na pagtaas ng mga nagkakasakit, sa halip na hanapan ito ng solusyon.

Matatandaang nasa mahigit 2.4 milyon na ang naitalang kaso ng COVID-19 positive sa Estados Unidos.// GLENN PARUNGAO