Close

Trump, hiniling ang re-opening ng mga religious places sa US

Sponsor ads


Hiniling ni US President Donald Trump sa mga gobernador sa Amerika na muling buksan ang mga religious at worship places sa kanilang mga lugar.

Ayon kay Trump, dapat na maging pantay ang pagtrato para sa mga simbahan at kapilya na na muling tumanggap ng mga tao matapos ituring na “essential” ng mga state governors ang mg tindahan ng alak at abortion clinics.

Iginiit pa ng opisyal na higit na kailangan ng kanilang bansa ngayon ang panalangin sa halip na pagbawalan ito.

Samantala, binalaan din ng presidente ang mga state governors na may naghihintay na parusa para sa mga hindi tatalima sa kaniyang panawagan.

Matatandaang sumipa na sa mahigit 100,000 ang death toll ng coronavirus sa Amerika, habang higit 1.5 milyon naman ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19.