Close

Trump, hindi nababahala sa 25th amendment

Sponsor ads


Para kay US President Donald Trump ay hindi niya kailangan ikabahala ang 25th amendment na maaring magamit upang siya ay mapatalsik sa pwesto bago ang inagurasyon ni president-elect Joe Biden.

Ito ay kahit naghain na ng resolusyon ang US House of Representatives, na dinodomina ngayon ng Democrats, para pilitin si Vice President Mike Pence na i-invoke ang nasabing probisyon.

Sa talumpati ni Trump sa harapan ng Mexico border wall sa Texas, na sumisimbolo sa kanyang istriktong immigration policy, ay nagbabala siya na ang pagsusulong sa 25th amendment ay magiging dagok rin para kay Biden at sa buong administrasyon nito.

Bukod sa 25th amendment ay isinusulong rin ng US lawmakers ang article of impeachment matapos himukin ni Trump ang mga tagasuporta nito na magtipon-tipon sa Capitol para kontrahin ang pagpapatibay sa pagkapanalo ni Biden sa eleksyon.

Sinabi ni Trump na "hoax" ang impeachment, at ang nangyayari ngayon ay ang pinakamatindi at pinaka-vicious witch hunt sa kasaysayan ng USA.