Close

Trillanes, minaliit ang pagiging persona non grata sa Davao

Sponsor ads


Minaliit lamang ni Sen. Antonio Trillanes ang ginawang pagdeklara sa kaniya ng Davao City Government bilang isang persona non grata.

Ayon kay Trillanes, tila hindi umano matanggal ng Davao ang masakit na katotohanan na nagsisinungaling lamang si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pahayag nito noon na ang Davao ang safest City in the world.

Paliwanag ng senador, ang kaniyang mga pahayag ay ibinase lamang niya sa December 2015 statistics ng Philippine National Police (PNP) kung saan ang lungsod ay nakapagtala ng highest incidence of murder at second highest naman sa rape.

Giit ng senador, alam niyang alam ito ng mga taga Davao ngunit nagbubulag-bulagan lang umano dahil sa takot na kontrahin ang presidente.

Magugunitang bukod kay Trillanes, idineklara ding persona non grata ng Davao City council ang pilantropong si Louda Nicolas Lewis dahil naman sa umano’y plano nitong ouster plot kay Pangulong Duterte sa pamamagitan ng pakikipag-kontsabahan sa International Criminal Court.

Samantala, karagdagang pang dahilan ng deklarasyon ay ang paulit ulit na pagbibintang ni Trilllanes kay Pangulong Duterte na may tagong yaman ito at pagdawit kay dating Vice Mayor Pulojg Duterte sa drug smuggling issue.