Close

Trillanes, handang harapin ang kaso

Sponsor ads


Handa si dating Senador Antonio Trillanes IV na harapin ang isa na naman umanong "harassment case" mula sa mga alagad ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang kaso ay may kaugnayan sa umano'y pakikipagsabwatan ni Trillanes para pabagsakin ang administrasyon.

Ayon sa dating senador, wala sya sa bansa sa ngayon pero maglalagak sya ng piyansa sa susunod na linggo pagkauwi nya ng Maynila.

Giit ni Trillanes, haharapin nya ang panibagong kaso gaya ng pagharap nya sa mga naunang kasong isinampa laban sa kanya sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Mababatid na ngayong araw lamang ay ipinag-utos ng Quezon City Metropolitan Trial Court na arestuhin ang dating senador at mga kapwa nito akusado dahil sa kasong sedition kaugnay ng viral video na nagsasangkot sa pamilya Duterte sa ilegal na droga.