Close

Trillanes, ayaw nang pag-aksayhan ng oras si Mayor Duterte

Sponsor ads


Hindi natinag si Senator Antonio Trillanes sa babala sa kanya ni Davao City Mayor Sara Duterte.

Ayon kay Trillanes, tulad ng ama ng alkalde na si Pangulong Rodrigo Duterte ay nag-iinarte lang ito sa pagsabi na hindi siya tatakbo sa 2022 presidential elections.

Wala rin plano ang Senador na bawiin ang mga sinabi niya kamakailan kaugnay sa plano ng Pangulo na patakbuhin sa eleksyon ang anak nito para makaiwas sa mga kaso.

Giit ng Senador, ang kanyang mga pahayag ay base sa mga pinagkakatiwalaan niyang source mula sa kampo ng Pangulo.

Gayunpaman, sinabi ng pinakamatinding kritiko ng Pangulo na wala siyang oras para sagutin ang mga huling patutsada sa kanya ng presidential daughter.