Close

Tricycle driver na miyembro umano ng drug group arestado

Sponsor ads


KORONADAL CITY - ARESTADO ang isang tricycle driver sa isinagawang drug buy-bust operation sa Purok Sans, Barangay San Roque nitong lungsod.

Kinilala ang nahuli na si Marlon Flores, 38-anyos, residente ng nasabing lugar at pinaniniwalaang miyembro umano ng Paradise Drug Group at tinuturing high valued target ng kapulisan.

Narekober sa kanya ang tatlong sachet ng pinaniniwalaang shabu at P500 marked money.

Sa ngayon, nasa kostudiya na ito ng Koronadal City Police Station. (Tiffany Jill Trinidad)