Close

Travel authority, para lang sa stranded individuals- DILG

Sponsor ads


Nilinaw ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na di na kailangang kumuha ng travel authority mula sa kanilang mga barangay ang mga manggagawa sa mga lugar na nakasailalim sa modified enhanced community quarantine (MECQ).

Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, ang travel authority ay para lamang sa mga stranded individuals.

Kung ang mangagawa aniya ay nagtatrabaho sa establisyementong pinapayagan nang magbukas sa ilalim ng MECQ, ang kailangan lamang na ipresenta ng empleyado ay ang kanyang company ID.

Ginawa ni Malaya ang pahayag matapos ang ulat na mahaba ang pila ng mga residente sa Rodriguez, Rizal na humihingi ng travel authority mula local government unit.