Close

Transwoman, kinoronahan bilang Miss Universe Spain 2018

Sponsor ads


Itinanghal bilang Miss Universe Spain 2018 sa Palau Firal I de Congressos de Tarragona si Angela Ponce na kinilala bilang isang transwoman.

Hindi inasahan ng karamihan na ito ay kokoronahan dahil ito ang kauna-unahang transwoman na lumaban sa Miss Universe 2018.

Taong 2014 nang sumailalim sa operasyon si Angela bago ito sumali sumali siya sa Miss World Spain pero hindi ito pinalad na manalo.

Ayon kay Angela, surportado naman daw siya ng kanyang mga magulang at sa katunayan nito noong bata siya ay may manika na siya habang kalaro ang kanyang ama. – Jansen Peña