Close

Transgender binugbog ng nobyo, nagreklamo

Sponsor ads


Isang 31-anyos na transgender ang dumulog sa Roxas City Police Station para magreklamo matapos umano siyang sipain, hampasin ng kahoy at batuhin ng kanyang karelasyon sa Barangay Dayao, Roxas City.

Kinilala ang biktimang si ‘alyas’ Jerene habang ang kanyang nobyo ay kinilalang si Ryan Jay Artates 18yo.

Nagtamo naman ng mga sugat at pasa sa katawan ang biktima habang ang karelasyon nito ay kulong na ngayon sa Roxas City Police Station. (BNFM Kalibo - Ann Deslene Salazar)