Close

Too much caffeine will kill you: 2 websites, binalaan ng FDA vs caffeine products

Sponsor ads


Nagbaba ng warning letters ang United States Food and Drug Administration sa dalawang websites na patuloy na nagbebenta ng highly concentrated caffeine products.

Una na umanong nagpahayag ang FDA noong Abril ng kanilang hakbang para tanggalin ang matataas na dose ng pure at concentrated caffeine sa dietary supplements matapos maiulat na may dalawa ng namatay dahil dito.

Binigyan lamang ng 15 days ng FDA ang liquidcaffeine.com at Dual Health Body and Mind upang tumugon sa notice na ibinaba ng ahensya at kung paano nila ireresolba ang ginawang paglabag at papatunayang hindi na ito mauulit pa.

Saad ni FDA Commissioner Dr. Scott Gottlieb, may iilang kumpanya pa rin silang nadidiskubreng patuloy na isinasawalang bahala ang safety ng mga consumer sa ilegal na pagbebenta ng ‘potentially dangerous and lethal amounts of caffeine’.

Ang liquidcaffeine.com ay nagpo-produce ng mga 16-oz package o 128 grams na lethal dose ng caffeine habang ang Dual Health Body and Mind ay may 8-oz pure powdered caffeine products na lagpas pa sa 1,000 servings kumpara sa nirerekomendang 200 milligrams na caffeine content ng FDA o 2 ½ na teaspoon lamang ng liquid product.

Tinatayang 10 – 14 grams dose lamang ng caffeine ay malalagay na sa peligro ang buhay ng naka-inom ng nasabing produkto.