Close

Tobacco growers, nabahala sa sin tax hike

Sponsor ads


Nababahala ang ilang grupo ng tobacco growers sa panukala na taasan ang buwis sa sigarilyo.

Sinabi ng PhilTobacco Growers Association na maraming magsasaka ang na-displace dahil sa pagtaas ng buwis sa mga sigarilyo nitong nakalipas na 5-taon.

Sinabi din ng asosasyon na naging daan ang mas mataas na buwis sa pagpasok ng counterfeit cigarettes o ng mga peke na sigarilyo.

Dagdag ng grupo, nakadagdag din ang mas mataas na presyo ng sigarilyo sa pagsipa ng inflation sa pinakamataas nitong antas.

Anila, nahihirapan na rin ang kanilang pamilya.

Matatandaan na sinabi ni Budget Secretary Benjamin Diokno na ang pagtaas ng buwis sa tobacco at alcohol products ay prayoridad ng gobyerno at tiyak na se-sertipikahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang legislation para dito bilang "urgent".