Close

Tiwala ng Pilipino sa gobyerno, bumaba

Sponsor ads


Bumaba pa ang tiwala ng mga Pilipino sa mga key institutions na bumubuo sa isang Estado.

Sa latest Philippine Trust Index na inilunsad ng isang consultancy group, lumabas na mula 80% na trust rating noong 2017 ay bumaba ito sa 76 ngayong 2019.

Kabilang sa mga ito ay ang tiwala sa Gobyerno, sa Simbahan, NGOs, akademya, sa business sector at maging sa media.

Sa kabila nito, nangangahulugan pa rin anila ito bilang 'extreme trust level'.

Bumaba ang tiwala ng mga Pilipino sa mga pangunahing sangay ng Gobyerno gaya ng Office of the Vice President, Senado, Kamara, at sa Korte Suprema.

Tumaas naman ang tiwala ng mga tao sa Office of the President mula 82% noong 2017 paputnang 83% ngayong taon.

Pinaka-mababa namang ang tiwala ng mga Pilipino sa mga NGOs kung saan, mula 59% na trust ay bumulusok pa ito sa 37%.

Isinagawa ang survey sa 1,400 respondents na mayroong ±4 na margin.
#