Close

Tisoy, patuloy na nananalasa sa bansa

Sponsor ads


Bahagyang humina ang hanging taglay ng Typhoon Tisoy.

Sa kabila nito ay taglay pa rin ng bagyo ang lakas ng hangin na papalo ng 150 kilometro kada oras at bugsong papalo ng hanggang 205 kilometro kada oras.

Naitala ng PAG-ASA ang ikatlong landfall sa bahagi ng Torijos, sa Marinduque.

Sa forecast, ngayong hapon ay tatawid ito sabahagi ng Marinduque at sa Oriental, at Occidental Mindoro.

Dahil dito, asahan na ang malalakas na pag-ulan sa Romblon, Marinduque, Mindoro Provinces, CALABARZON, Metro Manila, Bataan, Pampanga at Bulacan.

Asahan din ang pag-ulan sa Bicol Region at nalalabing bahagi ng Central Luzon, Aklan, Antique, Capiz, at hilagang bahagi ng Negros Provinces.

Posible naman ang storm surge na aabot ng hanggang sa tatlong metro sa mga coastal areas ng Batangas, Marinduque, Mindoro Provinces, Romblon, at Cavite.

Nakataas na ang Tropical Cyclone Wind Signal NO. 3 sa

Burias Islands, Romblon, southern portion of Quezon, Marinduque, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro including Lubang Island, Batangas, Cavite, at Laguna.

Nadagdagan naman ang mga lugar na nakasailalim sa signal no. 2 kablang na ang Camarines Sur, Camarines Norte, Albay , Catanduanes, Sorsogon, Metro Manila, Bulacan, Bataan, Tarlac, Pampanga, Nueva Ecija, southern Aurora, Rizal, nalalabing bahagi ng Quezon kabilang ang Polillo Islands, Calamian Islands , Cuyo Islands, Zambales, Pangasinan, at Masbate kabilang ang Ticao Islands, Kanlurang bahagi ng Northern Samar, Hilagangkanlurang bahagi ng Samar, Aklan, Capiz, at Northern Antique.

Nananatili naman ang signal no. 1 sa Southern Isabela , Benguet, Nueva Vizcaya, Ilocos Sur, La Union, Quirino, nalalabing bahagi ng Aurora, at hilagang bahagi ng Palawan, nalalabing bahagi ng Northern Samar, nalalabing bahagi ng Samar , Biliran, northern Negros Occidental, nalalabing bahagi ng Antique, Iloilo, Guimaras, at Leyte.

Ayon sa PAG-ASA, inaahang lalabas pa ito ng Philippine Area of Responsibility sa Huwebes ng Umaga.
#