Close

Tinatayang 40 bangkay, na-recover sa pinagbagsakan ng Pakistani aircraft

Sponsor ads


Tinatayang nasa 40 ang bilang ng mga bangkay na narekober mula sa lugar na pinagbagsakan ng Pakistani aircraft na lulan ng halos 100 tao.

Sinabi ng mga otoridad na bumagsak ang eroplano sa southern city ng Karachi at pinangangambahan na dose-dosenang iba pa ang nasawi sa plane crash.

Base sa ulat ay malapit na sanang mag-land ang eroplano ng Pakistan International Airlines nang bigla itong bumagsak sa isang residential area, na dahilan upang ito ay sumabog at mapatay ang maraming tao sa kalupaan.

Sinabi naman ni Interior minister Ijaz Ahmad Shah na nagkaroon ng technical fault ang eroplano matapos mapag-alaman na nag-isyu ng mayday call ang piloto dahil sa pagpalya ng isa sa mga makina nito.

Binanggit naman ni PIA spokesman Abdullah Hafeez na nasa 91 pasahero at 7 crew ang nakasakay sa flight.