Close

Tinatayang 1.5-million Sinovac doses, darating sa bansa bago ang katapusan ng Marso

Sponsor ads


Inanunsyo ng ilang senador na posibleng dumating sa bansa ang tinatayang nasa 1.5-million doses ng COVID-19 vaccine na dinivelop ng Sinovac dito sa Pilipinas bago ang katapusan ng Marso.

Naisiwalat ito sa Senate plenary interpellations kaugnay sa panukala na naglalayon na pabilisin ang procurement ng COVID-19 vaccines at pagtatag ng vaccine indemnification fund.

Sa interpellations, ay natanong ni Senator Nancy Binay si Senator Sonny Angara, na sponsor ng panukala, kung kailan mapipirmahan ang supply agreement para sa Sinovac vaccine.

Bilang sagot sa katanungan ni Binay ay sinabi ni Angara na base sa natanggap niyang impormasyon ay tinatayang nasa dalawang linggo pa ang hihintayin para matapos ang kasunduan sa supply agreement.

Ngunit sinabi ni Angara na pwede nang ma-deliver sa katapusan ng March ang 1.5-million na bakuna oras na matapos ang pagpirma sa kasunduan.

Matatandaan na sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na nagawa ng Pilipinas na makapag-secure ng 25-million doses ng Sinovac vaccine, kabilang na ang inisyal na batch na darating ngayong buwan.