Close

Tim Cone, nagluluksa sa pagkamatay ni Tex Winter

Sponsor ads


Nagluluksa ngayon si Barangay Ginebra head coach Tim Cone sa pagkamatay ni Tex Winter, ang utak ng pamosong 'triangle offense'.

Sa kanyang twitter account, nagtweet si Cone na labis nyang ikinalulungkot ang pagpanaw ni Winter.

Ayon kay Cone, di sya mapupunta kung nasan sya ngayon kung wala ang mga aral na natutunan kay Winter.

Nakilala ng coach si Winter noong 2000.

Sa edad na 96 anyos ay pumanaw si Winter, assistant coach ng Chicago Bulls sa loob ng 14 taon.

Iniluklok sya sa Naismith Basketball Hall of Fame noong 2011.

Natulungan nito sina coach Phil Jackson at NBA great Michael Jordan na makamit ang anim na NBA titles.