Close

Tigers Woods, kinasuhan ng pamilya ng namatay na worker

Sponsor ads


Kinasuhan ng pamilya ng isang lalaki na namatay sa car crashed sa Florida ang golf legend na si Tiger Woods, ang girlfriend nito at ang restaurant company nito.

Katwiran ng pamilya ni Nicholas Immesberger, 24 anyos na naiwasan sana ang aksidente kung pinigilan ito sa pag-inom nang sobra nang kumain ito sa restaurant ng golf legend.

Napag-alamang lasing ang biktima nang magmaneho ito pauwi mula sa restaurant na pinapasukan bago nangyari ang aksidente,

Natuklasan ding mayroon nang alcohol-related crash si Immesberger noong Nobyembre ng nakaraang taon.

Si Immesberger ay nagtatrabaho bilang bartender sa restaurant ni Woods.