Close

Tiger cub, ipinadala via express mail

Sponsor ads


Narescue ng mga otoridad ng Mexico ang isang sedated tiger cub sa isang plastic container na ipinadala sa pamamagitan ng express mail.

Ayon sa Federal Attorney ng Environmental Protection, gumamit ang mga pulis ng sniffer dog para makuha ang kontrabando mula sa patong-patong na padala sa New Tlaquepaque Central Bus Station
sa Jalisco.

Dagdag pa ng Federal Police nasa 2 months old na ang cub.

Napag-alaman rin na ang tiger cub na patungo sana sa address na Queretaro ay nadiskubreng dehydrated at kulang sa timbang pero nasa maayos na kondisyon pa naman umano ito.

Lumabas sa imbestigasyon na ayos naman ang ownership paper para sa tiger ngunit ang paraan ng pagpapadala ay maikokonsiderang isang uri ng animal mistreatment.