Close

Threat level para sa UK ships sa Iranian waters, itinaas

Sponsor ads


Itinaas ng British Government ang security warning nito sa pinakamataas na antas para sa British shipping na nasa Iranian waters.

Ito ay matapos mapilitan ang Royal Navy na pigilan ang tangkang pagharang ng Iranian Revolutionary Guards sa isang British oil tanker.

Sa ngayon ay nasa level 3 o critical security level ang sitwasyon sa Iranian waters.

Dahil rito ay inabisuhan ng Department of Transport ang lahat ng British ships na iwasan ang pagpasok sa nasabing teritoryo.

Kung maalala, ang mga bangka na pinaniniwalaang pag-aari ng Islamic Revolution Guard Corps ng Iran ang lumapit sa British Heritage tanker at tinangka na pigilan ito habang papalabas ng Gulf papunta sa Strait of Hormuz.

Dahil rito ay napilitan ang HMS Montrose, na isang British frigate na sumusunod sa tanker, na pumagitna sa pagitan ng 3 bangka at ng barko.

Sinabi naman ng ilang media reports na itinutok pa ng British frigate ang mga baril nito sa 3 bangka habang sinasabihan ito na umatras.

Sumunod naman ang 3 bangka sa warning at walang namang armadong kumprontasyon ang nangyari.