Close

Thirdy Ravena, itinanghal na UAAP Finals MVP

Sponsor ads


Sa ikalawang magkasunod na taon, nasungkit ng Ateneo Blue Eagles ang UAAP men's basketball championship.

Giniba ng Blue Eagles ang University of the Philippines Fighting Maroons sa score na 99-81 sa Game 2 ng finals kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Si Thirday Ravena ang itinanghal bilang Finals Most Valuable Player.

Inialay ni Thirdy ang kampeonato sa Ateneo community at sa graduating nilang team captain na si Anton Asistio.

Ayon kay Ravena, di nila hinayaan ang malaking audience na makaapekto sa kanilang approach sa laro.

Ang mahalaga aniya ay ginawa nila ang kani-kanilang bahagi sa court para sa iisang goal, ang makuha ang championship.

Nagtala si Ravena ng career-high na 38 points, anim na rebounds, at anim na assists.

Misyon umano nyang ibigay ang lahat ng kanyang makakaya sa laro at di nya inaasahang makaka-score dahil nagkataon lamang na pumapasok ang kanyang mga tira.