Close

Thailand, papayagan na ang pagpasok ng mas marami pang grupo ng mga foreigners simula July 1

Sponsor ads


Papayagan na ng Thailand ang pagpasok ng mga karagdagang grupo ng mga dayuhan simula ngayong araw.

Sa anunsyong nilagdaan ng Civil Aviation Authority of Thailand (CAAT) director-general Chula Sukmanop, nakasaad na ang 11 grupo ng tao ay papayagang makapasok sa kanilang bansa sa pamamagitan ng mga flights na:

1. Thai nationality
2. Mga taong inimbitahan ng prime minister o otoridad para sa mga emergency.
3. Asawa ng dayuhan, magulang, anak ng taong may Thai nationality.
4. Foreigners na may residency rights sa Thailand.
5. Asawa at anak ng dayuhan na may work permit.
6. Transporters na kinakailangan para sa mga produkto, pero kailangang umalis agad ng bansa matapos ang kanilang trabaho
7. Drivers at staff ng mga sasakyan na may mahahalagang missions sa Thailand at may malinaw na schedule para sa kanilang pag-alis.
8. International students at kanilang guardians.
9. Foreigners at carers na pupunta sa Thailand para sa medical treatment (maliban para sa Covid-19).
10. Staff ng mga embassies, consulates, international organizations o kinatawan ng foreign governments na may mahalagang misyon sa Thailand, at pinapayagan ng Foreign Affairs Ministry, kasama na ang kanilang asawa, anak o magulang
11. Foreigners na na may special arrangements.