Close

Thai soccer team, hindi mapapaunlakan ang FIFA invite

Sponsor ads


Hindi makakarating sa Moscow ang 12 miyembro ng Thai soccer team at ang kanilang 25-taong gulang na coach na nasagip kamakailan mula sa isang kweba para paunlakan ang imbitasyon ng FIFA sa World Cup final.

Nasagip mula sa Tham Luang Nang Non cave sa Thailand ang mga miyembro ng kuponan na binubuo ng mga bata na ang edad ay mula 11 hanggang 16 na taong gulang.

Ayon sa pamunuan ng FIFA, bunsod ito ng kundisyong medikal ng mga miyembro ng Wild Boars.

Pero sinabi ng FIFA na hahanap nalang sila ng ibang oportunidad para bigyan ang nasabing soccer team ng communion at celebration.

Makikipagpulong rin sila sa Thai FA sa Moscow sa darating na linggo.

Bukod sa FIFA, ay nagpakita rin ng suporta sa Wild Boars ang Manchester United.

Sinabi ng England soccer team na balang araw ay nais nilang imbitahan ang 12 footballers at ang kanilang coach at rescuers sa Old Trafford sa darating na season.

Matatandaan na binaha ang kweba kung saan na-trap ang Wild Boars sa loob ng mahigit 2 linggo kung saan ay naging limitad ang kanilang hangin at pagkain.