Close

Thai princess Mahidol, disqualified sa elections

Sponsor ads


Napilitan si Thai princess Ubotratana Mahidol na iatras ang kanyang kandidatura bilang prime minister sa darating na eleksyon.

Ito ay matapos na ianunsyo noong nakaraang linggo ni Ubolratana na tatakbo sya sa nasabing posisyon para putulin ang tradisyon sa Thailand.

Kung matatandaan, wala pang miyembro ng Thai royal family ang tumakbo bilang pampublikong opisyal.

Kaya naman nitong Linggo ay kinundena ng kuya ng princess na si King Maha Vajiralongkorn ang kandidatura ng kanyang kapatid.

Sinabi namn ng elections commission na dapat sumunod ang royal family sa lahat ng utos ng Hari na umiwas sa pulitika.

Mababatid na naging banta sa kasalukuyang rehimen ang nominasyon ni Ubolratana.