Close

Testing kits para sa COVID-19, mas dumami pa - DOH

Sponsor ads


Inanunsyo ng Department of Health na mas dumami na ang testing kits para sa coronavirus disease 2019 ng Research Institute for Tropical Medicine.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeirre, naipamahagi na ng DOH ang nasa 100,000 COVID-19 testing kits na galing sa donasyon ng Chinese Embassy sa RITM sa Muntinlupa City.

Nakatanggap rin ang subnational laboratories ng RITM kabilang na ang Vicente Sotto Memorial Medical Center sa Cebu City, Southern Philippines Medical Center sa Davao, Baguio General Hospital sa Baguio, San Lazaro Hospital sa Manila City, at Lung Center of the Philippines sa Quezon City.

Karamihan ng alokasyon ng testing kits ay ibinigay dipende sa laboratory capacity ng RITM.

Sinabi ni Vergeire na kaya ng RITM sumuri ng 600 tao kada araw, habang ang ibang mga laboratoryo naman ay makakagawa ng 100 pagsusuri kada araw.

Dagdag ng opisyal, kaya din ng San Lazaro Hospital na makagawa ng 50 tests kada araw.

Tiniyak naman ng Department of Health na dadami lalo ang bilang ng mg tests kada araw oras na makapag-adjust na ang mga laboratoryo sa kanilang mga bagong tungkulin.