Close

Test sa hypersonic aircraft ng China, tagumpay

Sponsor ads


Ipinagmalaki ng China na naging matagumpay ang pag-test nito sa kanilang unang hypersonic aircraft na isang malaking hakbang para sa kanilang aerospase technology na posibleng magpatindin sa pressure sa US military.

Isinagawa ng China Academy of Aerospace Aerodynamic na nakabase sa Beijing ng unang test ng Starry Sky-2 aircraft noong Biyernes.

Inihayag ng CAAA na umabot sa speed na Mach 6 o anim na beses na mas mabilis kesa sa sound ang Starry Sky-2 o 7,344 kilometers per hour.

Ayon sa report, ang Hypersonic vehicles ay hindi lang simpleng high-speed, kundi nakakabiyahe ito ng halos limang beses ng bilis ng sound o tunog na sinasabing sapat na bilis upang makatawid ng America sa loob lamang ng 30 minuto.

Hindi naman tinukoy ng CAAA kung para saan gagamitin ang bagong aircraft.