Close

Tentay, pinabulaanan ang paggamit ng synthetic acetic acid

Sponsor ads


Mariing itinanggi ng condiments firm na Tentay Food Sauces, Inc. na taglay ng kanilang produkto ang kemikal na synthetic acetic acid na mahigpit na ipinagbabawal ng Food and Drugs Administration.

Kasunod ito ng pagpapangalan ng FDA sa mga substandard na suka kung saan napabilang ang mga produkto ng Tentay sa listahan.

Paliwanag ni Tentay President and CEO Velia Cruz, wala na sa pamilihan ang mga nasabing suka.

Dagdag pa niya, ang ginagamit nila ay isang cloudifying agent na sangkap para maging naturally fermented ang kanilang mga suka.

Sa ngayon ay tutok rin ang Tentay sa kanilang paninandang patis na may malaking bulto sa kanilang kompanya.