Close

Team Pilipinas, byaheng Iran na

Sponsor ads


Byahe na papuntang Tehran, Iran ang Philippine Men's Basketball team para sa fourth window ng Fiba World Cup Asian Qualifiers

Makakalaban ng Pilipinas ang Iran sa Huwebes, ika-13 ng Agosto sa Azady Gym sampung araw matapos ang unang practice nito.

Si Asian Games coach Yeng Guiao pa rin ang magiging coach ng team Pilipinas

Mababatid na noong nakaraang dalawang linggo lamang pinangalanan ni Guiao ang kanyang 16-man pool para sa qualifiers na pinangungunahan ng kanyang asiad core na sina Stanley Pringle, Christian Standhardinger, Paul Lee, Gabe Norwood, Beau Belga, JP Erram, Raymond Almazan at Asi Taulava.

Ang ibang players ay galing sa iba't ibang PBA team gaya ng Ginebra gin kings na sina Scottie Thompson, Greg Slaugher at Japeth Aguilar kasama San Miguel Beermen backcourt duo na sina Marcio Lassiter, Alex Cabagnot at iba pa. // John Angelo Salas-ojt