Close

Team Pilipinas, bigo kontra Iran national team

Sponsor ads


Bigo ang Philippine men's basketball team matapos itong talunin ng Iran sa score na 81-73 sa 2nd round ng FIBA World Cup 2019 qualifiers na ginanap sa Azady gym, Tehran.

Pinangunahan ni Mohammadsamad Nik Khahbahrami ang Iran matapos itong kumopo ng 21 points at 8 rebounds na sinundan naman ni Sajjad Mashayekhi na umani ng 19 points at 4 assists.

Samantala, nagtala naman si star center Christian Standhardinger ng double-double nang magtapos ito ng may 30 points at 12 rebounds na sinundan naman ni San Miguel Beermen point guard Alex Cabagnot na umani ng 9 points at 5 assists.

Gaganapin ang sunod na laban ng team Pilipinas sa Smart Araneta Coliseum, sa September 17 kung saan makakalaban nila ang Qatar. // John Angelo Salas-OJT