Close

Tawag ng Tanghalan champ Noven Belleza, inaresto re: Rape

Kinumpirma ng Mabolo Police Station sa Cebu City na inaresto ang "Tawag ng Tanghalan" grand champion na si Noven Belleza, sa Cebu dahil sa reklamong rape.

Sa ngayon ay wala pang kompletong detalye na inilalabas ang naturang himpilan ng pulisya hinggil sa umano'y rape case ni Belleza.

Ayon kasi kay Chief Inspector Jacinto Mandal Jr., ng Mabolo Police Station sa Cebu City maituturin umanong private crime ang isyu at hindi rin nila maaring ibunyag ang pangalan ng biktima.

Sa kasalukuyan, wala pa ring inilalabas na pahayag ang kampo ng singer na kasalukuyang naka-hospital arrest dahil sa pananakit ng dibdib.

Samantala, nagsampa na ng pormal na reklamo ang kampo ng biktima laban sa singer.