Close

Tarpaulin na nagsasaad na probinsiya ng China ang PH, kalokohan

Sponsor ads


Naniwala ang Palasyo na posibleng pakana ng mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kontrobersiyal na tarpaulin na nakitang nakasabit sa ilang overpass sa Metro Manila ngayong araw.

Nakasulat kasi dito ang katagang “welcome to the Philippines, province of china.”

Sa press briefing sa malakanyang, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque isa itong kalokohan at marahil ay gusto lamang mang-asar ng mga taong nasa likod ng pagsasabit ng mga tarpauline.

Iginiit ni Roque na walang kahit anong parcel ng lupa na sakop ng teritoryo ng Pilipinas ang isinuko ng gobyerno sa China.

Sayang din umano ang mga tarpaulin dahil mas magandang gamitin nalang itong pambubong, pansapin sa sahig o pang trapal sa palikuran.

Magugunitang ngayong araw ay bumulaga sa mga motorista ang kulay pulang tarpaulin sa Philcoa footbridge sa Quezon City, P. Tuazon sa Quezon Avenue, at isang tarpaulin na makikita papuntang NAIA.