Close

Target na 8.2M foreign tourist arrivals, posible

Sponsor ads


Pumalo na sa higit 6 na milyon ang naitalang foreign tourist arrivals sa bansa.

Ayon kay Tourism Undersecretary Benito Bengzon, ang 6.16 milyong dayuhan na bumisita sa Pilipinas ay naitala sa unang siyam na buwan ng kasalukuyang taon.

Kung ikukumpara sa bilang noong 2018, mas mataas ito ng 14.37%.

Ang bilang lamang kasi ng foreign tourist arrivals noong nakaraang taon ay nasa 4.95 milyon.

Dahil rito ay tiwala si Bengzon na maaabot ng Pilipinas ang target na 8.2 milyong foreign tourist arrivals para sa 2019.