Close

Tapyas sa singil sa kuryente asahan na ngayong buwan

Sponsor ads


Magkakaroon ng bawas sa singil ng kuryente ngayong buwan.

Ayon sa Manila Electric Company o Meralco, nasa 52.6 centavos pero kilowatt-hour ang tapyas sa electril bill ngayong Setyembre.

Ito na ang ikalimang sunod na buwan na nagkaroon ng pagbaba sa presyo ng kuryente.

Mababatid na noong Agosto, nasa P9.5674 per kWh ang singil sa kuryente habang ngayong buwan naman ay nasa P9.0414 per kWh na lamang.

Kaya naman para sa mga kumokonsumo ng 200 kWh, nasa P105 ang mababawas sa kanilang bill.

Umabot na sa P1.52 per kWh ang total downward adjustment sa nakalipas na limang buwan.

Nakatulong rito ang mas mababang singil sa Wholesale Electricity Spot Market at hindi pagdedeklara ng kahit anong Yellow at Red Alerts.