Close

Tapyas sa pondo ng DOH, dapat ibalik - Marcoleta

Sponsor ads


Isusulong ni House Deputy Speaker at 1SAGIP Rep. Rodante Marcoleta sa Bicameral Conference Committee na ibalik ang tinapyas na pondo ng Department of Health para sa susunod na taon.

Ayon kay Marcoleta, sa ilalim ng 2020 General Appropriations Bill ay mayroon lamang kabuuang alokasyon na P88 bilyon ang DOH.

Kaya hihilingin niyang ibalik ang inalis na P10.6 bilyon sa ahensya para mas maisakatuparan ang pagpapatayo ng karagdagang pasilidad.

Ito aniya ang isa sa paraan para hindi na pumila ng mahaba ang mga taong may problema sa kalusugan lalo at problema sa ngayon ang kakulangan ng medical facilities.

Lalo pang tumaas ang occupancy rate sa mga ospital gaya ng 236 occupancy rate na naitala sa Metro Manila pa lamang.

Kaugnay nito ay hinimok rin ni Marcoleta ang pamahalaan na tugunan ang pangangailangang medikal na publiko kaya mas pagtuunan ng pansin ang banta ng African Swine Fever sa mga baboy.