Close

Tagalog tweet ni Conor McGregor, naging usap-usap para sa laban vs Pacquiao

Sponsor ads


Naging usap-usap ang Tagalog tweet ni dating UFC featherweight at lightweight world champion Conor McGregor para sa laban kontra kay Filipino boxing icon Manny Pacquiao.

Mababatid na nagtweet ang 32-year-old Irish mixed martial arts superstar ng “Tinatanggap ko,” dahilan para mag-isip at hulaan ng mga fans at media ang ibig sabihin nito.

Matatandaan na si Pacquiao ay sumali sa kaparehong management firm na nilagdaan rin ni McGregor nito lang taon.

Si McGregor ay huling lumaban noong Enero nitong taon sa main event ng UFC 246 kung saan natalo nito si Donald Cerrone sa pamamagitan ng technical knockout sa loob ng 40 segundo.

Bagama't ang naturang Irish ay isa talagang MMA competitor ay pinasok rin nito ang professional boxing noong 2017 laban kay Floyd Mayweather kung saan natalo siya sa pamamagitan ng tenth-round technical knockout.

Ang naturang laban ay nagresulta ng 4,300,000 buys sa pay-per-view.