Close

Tag-ulan na: DOH, nagbabala vs. waterborne diseases, flu, dengue

Sponsor ads


Binalaan ng Department of Health ang publiko laban sa mga waterborne diseases, influenza at iba pang sakit na makukuha sa rainy season.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ang waterborne diseases tulad ng hepatitis, typhoid fever at cholera ay maaring makuha mula sa mga kontaminadong pagkain ng hepatitis virus o human waste.
Kabilang sa mga sintomas nito ay ang pagdudumit, masakit na tiyan at lagnat.

Dahil dito, kailangan rin umanong lutuin ng maiigi ang mga pagkain at huwag din bumili o kumuha ng pagkain kung saan-saan.

Pinag-iingat rin ng DOH sa leptospirosis na maaring makuha sa baha kung saan ilan sa mga sintomas nito ay ang lagnat, paninilaw ng balat at ihi.

Samantala, maari rin umanong tmaas ang bilang ng kaso ng dengue sa tag-ulan kaya ipinapayo ng DOH na maglinis ng kapaligiran, linisan ang mga stagnant water kung saan dito maaring mamugad ang dengue mosquitoes.