Close

Taas presyo sa oil products, bubulaga sa susunod na linggo

Sponsor ads


Asahan na sa susunod na linggo ang pagtataas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Inanunsyo ng mga oil companies na maglalaro sa P0.60 hanggang P0.70 ang itataas sa halaga ng presyo ng diesel kada litro.

Nasa P0.30 hanggang P0.40 naman ang imamahal ng presyo ng gasolina.

Habang P0.80 hanggang P0.90 naman ang dagdag presyo sa kerosene o gaas.

Kadalasang nagaganap ang adjustment sa presyo ng oil products tuwing araw ng Martes.