Close

Taal Volcano, itinaas sa alert level 3 re: Phreatic eruption

Sponsor ads


Nagsilikas ang mga residente na malapit sa crater ng Bulkang Taal sa bahagi ng Brgy. Calawit, Balete, Batangas kasunod sa pagbuga ng usok ngayong hapon.

Kasunod nito ay itinaas ng Phivolcs sa Alert Level 3 mula sa unang Alert level 2 ang bulkan at idineklara nang Permanent Danger Zone ang Volcano Island.

Ayon sa advisory ng Phivolcs, tatlong pagyanig ang naramdaman ngayong araw bago ang phreatic explosion ng bulkan.

Naramdaman din noong mga nakaraang araw ang pagyanig na umaabot sa Intensity 1 hanggang Intensity 3 sa Calauit, Balete; Sitio Tibag, Pira-Piraso at Buco sa Talisay; Alas-as at Pulangbato, San Nicholas.

Dagdag pa ng ahensya na ang phreatic eruption ay ang shallow eruption dahil sa pressure at may masamang epekto ito sa kalusugan ng mga nakakalanghap.