Close

Taal Volcano, binabantayan sa gitna ng pagyanig, rumbling sounds

Sponsor ads


Mahigpit na binabantayan ngayon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang kondisyon ng Taal Volcano matapos makaramdam ng pagyanig ang ilang bahagi ng Batangas na may kasamang dagundong.

Sa inilabas na advisory ngayong araw ng PHIVOLCS, sinabi dito na simula noong Marso nakataas na ang Alert Level 1 kung saan nakapagtala ang Taal Volcano ng seismic network na 4,857 volcanic earthquakes ngayong araw lang.

Tinukoy rin ng Phivolcs ang ilang lugar sa naturang lalawigan na nakaranas ng pagyanig kung saan naramdaman ang intensity mula I (Scarcely Perceptible) hanggang Intensity III (Weak Shaking) sa Brgy. Banyaga sa Agoncillo; Brgy. Calauit sa Balete; Sitio Tibag ng Brgy. Pira-Piraso; Sitio Tuuran ng Brgy. Tabla; Brgy. Buco sa Talisay; Brgy. Alas-as sa San Nicolas; Brgy. Pulangbato sa San Nicolas.

Ayon pa sa Phivolcs, mula November 21 hanggang 29, napansin ang pataas na pataas na volcano edifice batay sa precise leveling (PL) measurements sa naturang bulkan kung saan consistent umano ito mula sa recent results ng GPS data.

Napansin rin ang mataas na carbon dioxide (CO2) emission sa loob ng main crater simula noong Abril 2019.

Sa kabila nito, walang namang significant changes sa water temperature at acidity ng main crater lake.