Close

TRAIN Law, 'di dapat sisihin sa pagtaas ng presyo ng langis

Sponsor ads


Iginiit ni Senate Committee on Ways and Means chair Sen. Sonny Angara na hindi dapat isisi sa TRAIN Law ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at basic commodities.

Ayon kay Angara, nakabase ang presyo ng krudo sa world market at hindi sa TRAIN Law.

Kung tutuusin aniya, ang ipinataw na buwis ay P2 kada litro pero ang itinaas na presyo ng langis ay nasa P12 hanggang P15.

Samantala, sinabi ni Angara na hindi nagkakaroon ng negatibong epekto sa kaniyang kandidatura ang TRAIN Law na kaniyang isinulong sa Senado.

Marami aniyang taxpayers ang natuwa sa pagpasa sa naturang batas dahil sa naging pagbaba ng kanilang binabayarang income tax.

Isinisi naman ng senador ang tila masamang imahe ng TRAIN Law sa "timing" ng pagkakapasa dito dahil nangyari ito kung kailan naitala ang nagtataasang presyo ng langis dito sa bansa.