Close

TNT, giba sa big 3 ng Ginebra

Sponsor ads


Giniba ng Barangay Ginebra ang TNT sa basketball game nito na nagtapos sa 93-78.

Ginanap ang laban para sa 2018 PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Ang big 3 ng Gin Kings na sina LA Tenorio, Japeth Aguilar at Greg Slaughter ang nanguna sa pagpapahirap sa KaTropa.

Naitala ni Tenorio ang 27 points, 11 assists at 5 rebounds; nakuha naman ni Aguilar ang 25 markers, 6 boards, 2 dimes, 2 steals at 2 blocks habang si Slaughter naman ay nakapagtala ng double-double sa score na 20 points, 14 rebounds, 4 assists at 2 blocks.

Si Jayson Castro naman ang nanguna sa panig ng TNT sa naitala niyang 17 points, 4 assists at 2 rebounds.

Pinuri naman ni coach Tim Cone ang tatlo, anya, bumilib siya sa kombinasyon ng tatlo lalong-lalo na sa mga pasa nito sa isa't-isa.

Samantala, nasa 5th place na ng liga ang Gin Kings hawak ang kanilang 5-4 win loss card habang ang TNT naman ay bumagsak sa 8th place bitbit ang 4 wins at 5 loss record.