Close

TIPS: Proper hygiene sa feminine area ng mga babae

Ang pribadong bahagi ng katawan ng mga babae ay maaaring mangati o mairita at magkaroon ng hindi kaaya - ayang amoy kapag hindi ito binigyan ng proper hygiene.

Paliwanag ni Dr. Judy Ann Uy, isang obstatrician-gynocologist, ang pangangati umano ng maselang bahagi ng mga bababe dulot ng allergy sa bagay o pagkain, paggamit ng sabon at feminine wash na may matapang na kemikal at paggamit ng sabong panlaba sa mga underware na may strong chemical content.

Anya ang nagdudulot naman umano ng hindi kaya - ayang amoy sa ari ng babae ay ang bad bacteria na tinatawag na bacteria vaginosis at discharge o menstruation period ng mga kababaihan.

Dagdag ni Uy, ang mga kababaihan daw umano ay may natural potential of hydrogen (pH) na sumusukat sa acidity at basicity sa ari ng babae.

Ang natural pH scale umano ng isang babae ay nasa 4-5 lamang. Kapag ito ay umabot sa 6-12 scale, maaaring magkaroon ito ng nasabing bacteria. Kapag naman mas mababa pa ito umano sa scale of four ,maaari namang magkaroon ng yeast infection ang ari kung saan karaniwan ito sa mga buntis at diabetic.

Upang maiwasan umano ang mga nagdudulot ng hindi komportableng pakiramdam sa reproductive female organ, siguraduhing walang matapang na kemikal ang gagamiting sabon at feminine wash, magpunas ng tuyong tissue pagkatapos umihi, gumamit ng underware na gawa sa cotton, palitan ang gamit na napkin at panty liner sa loob ng tatlo hanggang apat na oras at ugaliing kumain ng mga masusustansiyang pagkain.

Payo ng doktor para naman umano sa proper hygiene, tandaan na mula harap papuntang likod ang tamang paghugas at pagpunas ng ari.

Para naman sa mga babaeng nakararanas ng hindi normal na pangangati at madalas na pagiging basa ng kanilang ari, makabubuting magpakonsulta sa doktor upang mapag - alaman kung sila ay may sexually transmitted diseases. // Shaina Galvez (OJT)