Close

TCWS no. 4, nadagdagan pa; Ompong, lalong bumilis

Sponsor ads


Itinaas na ang Tropical Cyclone Warning Signal (TCWS) No. 4. sa Cagayan kabilang ang Babuyan group of Islands , Northern Isabela, Apayao, Abra,Ilocos Norte, at Kalinga sa gitna ng pagbilis ng galaw ng Bagyong Ompong patungong Northern Luzon.

Sa ilalim ng Signal No. 4, inaasahang makakaranas ng lakas na hangin na 171 hanggang 220 kph sa susunod na 12 oras.

Inaasahan namang gagalaw ito pa-northwest sa 30 kph, kumpara sa bilis na 25 kph mula sa nakaraang forecast.

Sa huling track ng Pagasa, namataan ang sentro ng bagyo sa 190 km silangang ng Tuguerarao, sa lakas na hangin na 205 kph malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa 255 kph.

Sabado ng ala-1:00 ng madaling arawo alas-3:00 a.m. inaasahang maglalandfall ito sa Cagayan.

Pagdating naman ng Sabado ng hapon ay tatahakin na nito ang direksyong papunta ng West Philippine Sea at palabas ng Philippine Area of Responsibility sa gabi.

Samantala, nakataas naman ang Signal no. 3 Batanes, Ilocos Sur, La Union, Mt. Province, Benguet, Ifugao, Nueva Vizcaya, Quirino, Northern Aurora at Southern Isabela.

Ang Signal no.2 naman ay itinaas sa Pangasinan , Tarlac , Northern Quezon kasama ang Polilio Island, Nueva Ecija , Southern Aurora, Zambales, Pampanga at Bulacan.

Nakataas naman ang Signal no.1 sa Bataan, Rizal, Lupang island, Batangas, Metro Manila, Cavite, Laguna , rest of quezon, Catanduanes, Camarines Sur, Masbate, Marinduque, Camarines Norte, Burias at Ticao Island.