Close

Syrians, nagtipon-tipon sa capital matapos ang US-lead airstrikes

Sponsor ads


Nagtipon-tipon ang daan-daang Syrians sa landmark squares sa Syrian capital habang ibinubusina ang kanilang mga sasakyan, nagpakita ng mga victory signs at iwinagayway ang Syrian flags kasunod ng joint airstrikes ng United States, France at Britain.

Ang hakbang ng mga residente ay bilang pagdiriwang sa tinawag nilang tagumpay ng army sa pag-shoot down at pagharang sa ilang missiles.

Karamihan ay nagwagayway ng Syrian, Russian at Iranian flags habang ang iba naman ay pumapalakpak at nagsasayawan pa.

“We are your men, Bashar,” hiyaw ng mga ito habang ang iba naman ay sumisigaw ng: “Oh Trump you are a monkey. Oh Trump you are an animal,” habang nakatayo sa square kasama ang giant colored “I Love Damascus” sign.

Ang naturang mga sigaw ay malinaw na nagpapatama laban kay Trump matapos nitong tawagin si Assad bilang “animal” sa mga tweets ng US president kasunod ng umano'y chemical weapons attack.

Kabilang rin sa malaking crowd ay mga sibilyan, men in uniforms, actor, lawmakers at iba pang figures.

Batay sa Syrian military statement sa kabuoan nasa 110 missiles ang pinakawalan ng US, Britain at France kung saan karamihan sa mga ito ay na-shot down.